TUGUEGARAO CITY- Dumami pa ang bilang ng mga naitalang nakarekober sa coronavirus disease (covid-19) sa Rehiyon dos na umabot na sa 2,006.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-R02, 64 ang bagong nakarekober kung saan 50 dito ay mula sa Isabela, 11 sa Cagayan, dalawa sa Nueva Vizcaya at isa sa Isabela.

Nasa 16 naman ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng virus kung kaya’t umakyat na sa 2,515 ang naitalang tinamaan ng virus sa rehiyon.

Pinakamarami pa ring may naitalang kaso ang Isabela na 1,183 sunod ang Cagayan na may 618, Nueva Vizcaya na may 593, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.

Sa ngayon, umabot na sa 473 ang aktibong kaso kung saan 70 percent dito ay asymptomatic at 29 percent ang nasa mild condition habang 36 ang bilang ng nasawi dahil sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, 16 sa mga aktibong kaso ng virus ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), 14 dito ay galing sa Isabela partikular sa Ilagan na may sampu, dalawa sa Tumauini at tig-isa sa Roxas at San Mariano habang dalawa naman sa Cagayan na mula sa Tuguegagarao at Enrile.

Bukod dito, 24 na suspected cases din ang minomonitopr sa naturang pagamutan, 20 dito ay mula sa Cagayan, tatlo sa Isabela at isa sa Apayao.