
Nagpaalala sa mga Pinoy sa Singapore ang Philippine Embassy, hindi na nila kailangang pumunta pa sa embahada para bumoto.
Ayon sa Philippine Embassy, maaari na silang makaboto gamit lamang ang smart phone, tablet, laptop, o computer.
Maaari na anila silang maka-vote from home o bumoto kahit nasaan sila basta’t may internet.
Nakatakda namang i-post ng embahada sa kanilang Facebook page ang mga susunod na anunsyo hinggil sa pre-voting enrollment, voting period at ang official step-by-step guide sa online voting.
-- ADVERTISEMENT --