Tuguegarao City- Isinailalim sa surprise drug test ang lahat ng PNP provincial directors sa Rehiyon.

Ito ay bahagi ng ginagawang internal cleansing sa hanay ng PNP kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.

Ang pagsasagawa ng surprice drug test ay sinaksihan naman ni PBGEN Angelito Casimiro, Director ng Police Regional Office 2.

Kaugnay nito ay ipinatawag ang lahat ng provincial directors ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Pinuri naman ni PCOL Ariel Quilang, director ng PNP Cagayan ang naturang hakbang upang matukoy kung sino ang mga miyembro ng PNP na gumagamit ng iligal na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nagsagawa ng random drug test sa mga junior members ng PNP kung saan isang Police Master Sergeant ang nagpositibo na mula sa Cagayan Police Provincial Office.

Samantala, napag-alaman naman ng Bombo Radyo na ipinatawag din ang lahat ng mga Police Regional Directors sa buong bansa noong nakaraang lingo at sumailalim sa drug testing.