TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ni Atty.Louie Aquino,head ng legal office ng LGU Tuguegarao na nasa prosecutors office na ang reklamo laban sa mga sangkot umano sa ghost claims sa PHILHEALTH sa Tuguegarao City People’s General Hospital.

Sinabi ni Aquino na ihahain na lang kaso ang laban sa mga empleado at mga sinasabing ghost claimants o ghost beneficiaries ng PHILHEALTH.

Ayon sa kanya,na bahagyang natagalan ang proseso dahil sa naghain ng Motion for Reconsideration at Petition to Review ang mga isinasangkot sa anomalya.

Subalit sinabi niya na ibinasura ang mga nasabing mosyon kaya uusad na ang reklamo laban sa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Aquino na maging ang National Bureau of Investigation ay naghain din kaso laban sa mga isinasangkot matapos na ang kanilang ginawang imbestigasyon.