
Naglabas ng pahayag ang Chinese Embassy matapos ideklara ng Kalayaan Municipal Council ang Chinese ambassador bilang “persona non grata” sa Kalayaan Island Group (KIG).
Batay sa prinsipyo ng reciprocity, ipinagbawal na ring makapasok sa China, kabilang Hong Kong at Macao, ang mga sangkot sa resolusyon.
Kabilang sa mga pinangalanan sina Beltzasar S. Alindogan, Maurice Phillip Alexis S. Albayda, Nonelon B. Balbontin, Nonie C. Gapuz, Roberto M. Asiado, Hubert B. Llavan, Francis P. Polizon, Marilou S. Vales, Monico A. Abogado, Eugenio B. Bito-onon, Hermoso A. Ornopia, Tracylie Shierjun R. Malabayabas, Arzel E. Belidan, Vicencio R. Milan, Allan D. Dellosa, at Mary Cristina J. Lagrosa.
Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Kamakailan, naging usap-usapan ang KIG nang magmungkahi si Sen. Rodante Marcoleta ng debate sa soberanya, na tinutulan ni Sen. Panfilo Lacson dahil sa epekto sa mga residente ng Pag-asa Island.









