TUGUEGARAO CITY-Ipinag-utos ng Department of Tourism sa Mt.Province ang pansamantalang pagbabawal sa mga turista at mga mamamayan na magsagawa ng anumang mountain related activities kabilang ang pagsasaka sa bulunbunduking bahagi ng lalawigan

Sinabi ni Arsenia Addon, tourism officer ng Bauko,Mt.Province na ito ay dahil na rin umano sa kasalukuyang peace and order condition kasunod nang nangyaring engkwentro sa pagitan ng PNP at New People’s Army sa nasabing bayan

Ayon kay Addon,ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga nagnanais na magsagawa ng anumang aktibidad sa mga bundok ng lalawigan dahil sa posibleng nasa bundok pa ang mga rebelde at may itinanim umano na landmine

Dahil dito, sinabi ni Addon na kinansela ang lahat ng naka-book na tourism activities

Matatandaan na isang pulis ang namatay at isa ang nasugatan sa engkwentro noong March 29 hanggang 31,2019

-- ADVERTISEMENT --