
Iginiit ni Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP) founder Atty. Ariel Inton na mahalagang maging maingat ang mga opisyal sa pag-presscon o pagbibigay ng paunang pahayag lalo na kung hindi pa kompleto ang ebidensya, dahil maaari itong magdulot ng maling impresyon sa publiko.
Kung maaalala nga ay kinuwestyon ng NAPOLCOM ang umano’y pag-downgrade ng kaso laban sa pulis na sangkot sa viral na insidente, at kung saan lumabas ang mas mahabang video na nagpakita na ang rider-complainant ang naunang lumapit at tila naghabol sa pulis bago naganap ang insidente.
Dahil dito, giit ng grupo na dapat masunod ang tamang proseso ng imbestigasyon bago maglabas ng opisyal na pahayag upang maiwasan ang kalituhan at pag-ikot ng opinyon sa publiko.
Sa kabila nito ay ang piskalya pa rin ang may final na kapangyarihan sa pagtukoy kung anong kaso ang dapat isampa batay sa kabuuang ebidensya.










