Bumawi ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan ng Hunyo matapos na ito ay bumaba noong buwan ng Marso.

Ito ay batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa survey, naitala ang net satisfaction rating ni Marcos sa +20 noong Marso, bumaba ng 27 points mula sa +47 score na nakuha niya noong December 2023.

Bumawi ito sa +27 base sa survey na isinagawa ng SWS mula June 23 hanggang July 1.

Subalit ito ay mas mababa pa rin kumpara sa +58 na nakuha niya sa kaparehong panahon noong 2023 at sa kanyang pinakamataas na net satisfation rating na +68 noong December 2022.

-- ADVERTISEMENT --