“Never say never.”

Ito sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte, na unang nagsabi na ang nawasak na alyansa ay naabot na ang “the point of no return.”

Reaksiyon ito ni Marcos matapos siyang tanungin sa Lucena City tungkol sa bangayan ng dati ay one-united front sa ilalim ng “uniTeam.”

Matatandaan na inalmahan ni Duterte ang harassment umano sa kanya ng Kamara sa imbestigasyon sa paggasta ng Office of the Vice President sa kanilang confidential funds.

Sinundan pa ito ng mga pagmumura at pagbabanta kay Marcos at maging sa kanyang asawa na si Liza at kay House Speaker Martin Romualdez.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Duterte na naabot na ang point of no return sa relasyon nito kay Marcos dahil sa malinaw na nais siyang pabagsakin at tanggalin sa puwesto.