TUGUEGARAO CITY-Nakataas na sa blue alert status ang Office of Civil Defense (OCD) Region 2,Local Government Unit (LGUs) at lahat ng ahensiya ng Gobyerno bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Falcon.

Kagabi ay itinaas na ng PAGASA sa signal number 1 ang Batanes, Cagayan kabilang ang Tuguegarao City at Northern Isabela.

Ayon kay Ronald Villa ng OCD-Region 2, kahapon ay nagpulong ang miembro ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction Management Council para sa pre-disaster risk assessment.

Aniya, ito’y para malaman ang preparedness measure na gagawin ng bawat ahensiya ukol sa bagyong Falcon.

Samantala,sinabi ni Villa na ngayong araw malalaman ang desisyon ng ng Philippine coast Guard kung magdedeklara ng “no Sail policy”.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nakakaranas ng pabugso bugsong pag-ulan ang lalawigan ng Cagayan.