P300,000 na idedeposito sana sa bangko,hinablot ng riding-in tandem sa Tuguegarao TUGUEGARAO CITY-Iniimbestigahan na ng PNP ang nangyaring paghahablot umano sa bag ng isang ginang na naglalaman umano ng P300,000 sa Tuguegarao City.
Ayon kay Patrolman Christian Bangayan,sa salaysay ni Ethelyn Narag,41,ng Brngy.Tanza,Tuguegarao na habang siya ay naglalakad kasama ang kanyang anak na apat na taong gulang sa lugar papunta sana sa isang bangko sa Brngy. Centro 7 may tumigil na motorsiklo na sakay ang dalawang lalaki na nakasuot ng helmet.
Dito na umano hinablot ng isa sa riding-in tandem ang sling bag ng ginang nanaglalaman ng nasabing halaga.
Nakipag-agawan pa umano ang ginang sa bag subalit nagtagumpay pa rin ang mga suspek matapos siyang matumba.