Tutol si Senador Robinhood Padilla sa posibilidad na hindi si Senate President Sherwin Gatchalian ang maging presiding officer sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.

Ayon kay Padilla, haharangin umano ng minorya kung si Francis Escudero ang magpreside sa impeachment court.

Iginiit ng senador na malinaw aniyang nakasaad sa Konstitusyon na ang Chief Justice lamang ang dapat magpreside kapag Pangulo ang nahaharap sa impeachment, habang ang Senate President naman ang dapat mamuno sa paglilitis kung Bise Presidente o iba pang opisyal ng pamahalaan ang nasasakdal.

Dahil dito, sinabi ni Padilla na tungkulin nilang kuwestiyunin at tutulan ang anumang hakbang na aniya’y taliwas sa itinatadhana ng Konstitusyon.

Punto pa ng senador, sa halip na hikayatin si Gatchalian na gampanan ang tungkulin bilang Senate President, tila minamaliit pa umano ang kakayahan nito na mamuno sa impeachment proceedings.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, nilinaw ni Padilla na hindi pa napag-uusapan ng minority bloc ang usapin dahil huli silang nagkaroon ng pagpupulong noong special session pa ng Senado.