
Mag-aalok ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng libreng tatlong taong subscription sa cloud-based core banking system para matulungan ang mga rural bank na mapabilis ang kanilang digitalization.
Sa ilalim ng Digitalization Technical Assistance ng Rural Bank Strengthening Program, bibigyan ang mga kwalipikadong rural bank ng access sa Software-as-a-Service o SaaS platform, kasama ang technical support sa pag-aampon ng sistema.
Layunin nitong mapahusay ang operasyon, cybersecurity, customer service at pagsunod sa mga regulasyon ng BSP.
Para maging kwalipikado, kailangang maipakita ng mga rural bank ang kanilang commitment na palakasin ang operasyon, matugunan ang minimum capital requirements at wala pang kasalukuyang subscription sa SaaS-based core banking system.










