
Nagbabala ang United Nations (UN) na mabagal pa rin ang pagkilos ng maraming kumpanya at financial institutions sa pagtugon sa pagkasira ng kalikasan sa kabila ng banta nito sa ekonomiya at global supply chains.
Ayon kay Convention on Biological Diversity Executive Secretary Astrid Schomaker, marami pa ring negosyo ang hindi sapat ang ginagawang pagsusuri at pamumuhunan upang mabawasan ang epekto ng kanilang operasyon sa biodiversity.
Idinagdag ng UN na mas malaki pa rin ang pondong napupunta sa mga aktibidad na nakasisira sa kalikasan kaysa sa mga programang nagpoprotekta rito, kaya nananatiling malaking hamon ang paghimok sa pribadong sektor na mamuhunan para sa pangangalaga ng kalikasan.








