Nagbabala ang PAGASA laban sa pekeng opisyal na nanghihingi ng donasyon para umano sa isang foundation.

Ayon sa advisory ng ahensya nitong Linggo, isang contractor ang nakatanggap ng email mula sa nagpapanggap na opisyal ng PAGASA na humihingi ng pera.

Mariing kinondena ng PAGASA ang ganitong uri ng panlilinlang at sinabi nilang hindi nila ito kinukunsinti.

Nilinaw rin ng ahensya na walang sinumang indibidwal o organisasyon ang awtorisadong gamitin ang pangalan ng PAGASA o ng kanilang mga empleyado para humingi ng pabor.

Hinikayat ng PAGASA ang publiko na agad i-report ang mga kahalintulad na insidente sa kanilang tanggapan.

-- ADVERTISEMENT --