Patuloy ang isinasagawang search and retrieval operation sa isang 14-anyos na binatilyo matapos malunod sa Chico River na bahagi ng Barangay Sta Barbara, Piat, Cagayan noong Pebrero 14.
Ayon kay PLT John Philip Salva ng PNP Piat,alas 3:30 ng hapon kamakalawa nang malunod ang grade 9 student, 14-anyos at residente ng Brgy. Maguilling sa nasabing bayan.
Aniya, kasama ng biktima ang apat pa nitong mga kaibigan na pawang mga menor-de-edad at kanyang kaklase na naligo sa nasabing ilog.
Habang naliligo ay napunta sa malalim na bahagi ng ilog na dahilan ng kanyang pagkalunod.
Hindi namang nagawang tulungan ng kanyang mga kasamahan ang biktima dahil malakas umano ang agos ng tubig.
Nabatid na bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa chico river dahil sa mga pagulan sa Isabela at Nueva Vizcaya.
Katuwang ng TFLC sa paghahanap ang Philippine Coast Guard (PCG), mga otoridad at mga residente sa lugar.
Ngayong araw ng Linggo, ipagpapatuloy ang ginagawang search and rescue ng mga otoridad sa nasabing binatilyo.