TUGUEGARAO CITY- Inilatag ng isang sugar milling company ang mga kadahilanan ng pagbaba ng produksion ng tubo sa Cagayan.
Sinabi ni Miti Mangwag ng isang sugar milling companya na batay sa kanilang isinagawang assessment, marami sa mga magtutubo ang kulang sa kaalaman sa pagtatanim ng tubo.
Bukod dito, sinabi niya na ang ibang magtutubo ay lumipat na sa pagtatanim ng ibang agricultural crops tulad ng mais at palay.
Dahil dito, sinabi ni Mangwag na tinipon nila ang mga magtutubo sa lalawigan at kung saan nagkaroon sila ng actual farm demo at lectures at nagkaroon ng palitan ng kaalaman at kuro-kuro tungkol sa pagtutubo.
Dito nila aniya nalaman na may ilang magtutubo na kulang sa kaalaman sa pagtatanim ng tubo.
Bukod pa ito sa kakulangan ngayon ng mga tao na pag-aani ng mga itinanim na mga tubo.
Dahil dito, sinabi ni Mangwag na nakipag-ugnayan na sila sa service providers mula sa Pampanga at Tarlac upang matugunan ang nasabing problema sa darating na milling season.
Idinagdag pa ni Mangwag na kailangan na paunlarin ang pagtutubo sa lalawigan dahil makakatulong ito sa sugarcane industry sa bansa.
Ito ang dahilan aniya kaya sila lumilikha ng black farms na sila naman ang bubuo ng kanilang mga kooperatiba upang makahingi ng tulong sa pamamahalaan.
Iginiit pa ni Mangwag na malaki ang kita sa pagtutubo kung maayos lang ang pagtatanim.