Inaasahang lalakas ang kakayahan ng halos 10-milyong mga senior citizen na bilhin ang iba pa nilang mga pangangailangan.

Sinabi ito ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes makaraang alisin ng Food and Drug Administration (FDA) ang Value Added Tax o VAT na ipinapataw sa 10 pangunahing maintenance medicines.

Kabilang dito ang ilang gamot laban sa diabetes, cholesterol, at hypertension na karaniwang iniinda ng karamihan sa mga nakatatanda nating mga kababayan.

Binanggit ni Ordanes, na kabilang din sa mga gamot na ginawang VAT-free ang para sa cancer at mental illness na pakikinabangan din ng mas nakababatang edad.