Nagbabala ang Department of Education (DepEd) laban sa pekeng impormasyon online na nagsasabing tatanggalin na ang Senior High School.

Ayon sa DepED, fake news ang post na nagsasabing wala ng Grade 11 at 12 para sa School Year 2026-2027.

Muling pinaalalahanan ng DepEd ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga impormasyong nababasa o nakikita online.

Para naman sa mga opisyal na anunsiyo at impormasyon sa basic education, pinapayuhan ng ahensya ang publiko na bumisita lamang sa official DepEd Philippines social media accounts at website.