CTTO

Isinisi ng pulisya sa hindi maayos na kondisyon at kalumaan ang pagkahulog ng isang pampasaherong jeep sa tulay na ikinasugat ng 12 pasahero sa bayan ng Tuao, Cagayan.

Ayon kay Police Major Reymund Asistores, hepe ng Tuao PNP, galing sa Tuguegarao City ang jeep na minamaneho ni Nelson Agliam, 39-anyos nang nawalan ng kontrol sa manibela at nahulog sa limang metrong lalim na Itawes Bridge sa Barangay Alabiao.

Sinabi ni Asistores na dahil sa lubhang kalumaan at kulang sa maintenance ay natanggal ang ball joint ng sasakyan na kumokonekta sa manibela.

Kaagad namang naisugod ang mga sugatang pasahero sa pinakamalapit na pagamutan.

Samnatala, sasampahan ng kasong Reckless imprudence resulting in multiple injuries ang driver ng sasakyan na hawak na ng pulisya.

-- ADVERTISEMENT --