Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang desisyon ng House Justice Committee na ideklarang insufficient in substance ang dalawang impeachment complaint laban sa kanya, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Communications Undersecretary Claire Castro na bagama’t hindi personal na minonitor ng Pangulo ang pagdinig, nasiyahan ito na nasunod ang tamang proseso at nanaig ang katotohanan.

Dagdag niya, nananatiling kumpiyansa ang Pangulo na wala siyang ginawang mali at hindi niya kinokontrol ang desisyon ng Kamara.

Matapos maibasura ang mga reklamo, sinabi umano ni Marcos Jr. na “let’s move forward,” at ituon na lamang ang pansin sa pagpapalakas ng ekonomiya at pag-angat ng buhay ng mga Pilipino.

Dahil sa umiiral na desisyon ng Korte Suprema na isang impeachment complaint lamang ang maaaring ihain kada taon laban sa isang opisyal, hindi na inaasahang haharap ang Pangulo sa panibagong impeachment ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --