Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa katapatan o loyalty ng security forces kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa crimes against humanity.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, hindi na kailangan na magsagawa ng loyalty check sa security forces dahil ang ginawa ng administrasyon ay naaayon sa batas.

Unang nang pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ulat sa umano’y resignation ng kanilang mga tauhan bilang pagpapakita ng suporta kay Duterte.

Umapela ang AFP sa publiko na maging mapanuri sa mga lumalabas na mga ulat at iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong mga impormasyon.

Pinabulaanan din ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat na may nagbitiw na ilang pulis para suportahan si Duterte sa gitna ng kanyang kinakaharap na usaping legal sa International Criminal Court (ICC).

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa records ng PNP, umaabot sa 6,000 ang mga namatay sa mga isinagawang mga operasyon sa war on drugs ng Duterte administration.