
Hindi makakadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa aktibidad sa Malacañang ngayong umaga subalit nasa maayos umano siyang kundisyon at gumagawa ng paper works matapos na makaranas ng diverticulitis, ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.
Pangungunahan sana ng Pangulo ang Pagpupugay 2025: Parangal Sa Mga Lingkod, na gaganapin sa Rizal Ceremonial Hall sa palayo ng Malacañang, subalit si Recto ang magiging kinatawan ng Pangulo sa event.
Sinabi ni Recto na walang dapat ipag-alala dahil maaayos ang kundisyon ng Pangulo at natural lamang na irekomenda ng kanyang doktor na magpahinga muna ng isang linggo.
Matatandaan na isinailalim sa medical observation si Marcos nitong nakalipas na linggo dahil sa diverticulitis, o ang pamamaga ng pouches sa labas ng kanyang bituka.
Buhat noon ay hindi na nakita sa publiko ang Pangulo.
Naglabas ang Pangulo ng kanyang video message at tiniyak sa publiko na maayos ang kanyang kalagayan at hindi life-threatening ang kanyang kundisyon.
Una na ring pinabulaanan ng Malacañang na sasailalim ang Pangulo sa surgery dahil sa nasabing karamdaman.










