Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino na magbigay ng mga suhestiyon para sa mas epektibo at makabagong polisiya na maaaring pumalit sa mga luma, nagpapabagal at nagpapahirap na sistema sa gobyerno.

Sa kanyang vlog, binanggit ni Marcos ang ilang problema sa ahensiya ng gobyerno tulad ng paulit-ulit na papel, luma at komplikadong requirements sa ID at ang pangangailangan na personal na dumalo para sa mga transaksiyong puwede namang gawing online.

Ayon sa kanya, pangpagulo at dagdag lang ito sa pasanin ng publiko.

Binigyang-diin ng Pangulo na dapat ang mga polisiya ng gobyerno ay nagpapadali at hindi nagpapahirap sa buhay ng mga mamamayan.

Aniya, ang mga reporma kahit minsang hindi popular sa simula ay maaring magtagumpay kung maayos ang implementasyon at may kooperasyon mula sa publiko.

-- ADVERTISEMENT --