Tinaggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panawagan sa kanya na sumailalim sa hair follicle drug test, dahil wala umano itong koneksion sa constitutional principle na ang public office ay isang public trust.

Tugon ito ni Marcos sa panawagan ni dating executive secretary Vic Rodriguez, na nananawagan sa kanya na sumailalim sa mapagkakatiwaan na hair follicle test upang mawala na ang mga alegasyon na gumagamit siya ng iligal na droga.

Unang ginawa ni Rodriguez ang panawagan noong April 2024 matapos na banggitin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng iligal na droga si Marcos.

Matatandaan na noong buwan ng Enero, tinawag ni Duterte si Marcos na “bangag” o lulong sa droga, na binawi noong buwan ng Pebrero, at sinabi na hindi niya kailanman inakusahan si Marcos na gumagamit ng iligal na droga.

Kung matatandaan, si Rodriguez, noong siya pa ang spokesperson ni Marcos noong panahon ng pangangampanya ang nagdetalye sa media sa drug test ni Marcos noong 2021.

-- ADVERTISEMENT --

Noon ay pinanindigan ni Rodriguez ang resulta ng negative drug test ni Marcos.

Ngayon ay sumapi na si Rodriguez sa mga Duterte at naging kritiko ni ng Marcos administration.