Pinuna ng Philippine Constitution Association (Philconsa) ang Senado na umuupo na impeachment court, ang pagbabalik ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.

Sa pahayag, sinabi ni Philconsa chairperson and former Supreme Court chief justice Reynato Puno, ang naging hakbang ng impeachment court ay lumilikha ng constitutional concerns.

Ayon kay Puno, ang aksyon ay nagdudulot ng constitutional questions at mga hamon sa integridad ng impeachment process.

Nagbabala ang PhilConsa na posible itong magbunsod ng grave abuse of discretion at nanganganib na mababalewala ang fundamental principle ng ating constitutional democracy.

Iginiit niya ang accountability ng public officials ay hindi dapat na iniiwasan sa pamamagitan ng paglalaro sa proseso.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinunto niya na ang hindi pwedeng mawala o masuspindi ang huridiksion ng Senado bilang impeachment court dahil lamang sa mga procedural acts, sa halip dapat ito ay magpatuloy hanggang sa maresolba o mabasura ang kaso.

Nanawagan si Puno sa Senado na ipatupad ang kanilang constitutional duty at ituloy ang impeachment trial batay sa nakasaad sa Constitution at rule of law.

Matatandaan na noong gabi ng Martes, bumoto ang Senado bilang impeachment court na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Duterte na hindi ibinabasura.

Inaprubahan ang mosyon na may 18 na affirmative, lima na negative votes, at walang abstentions.