Palalawakin ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang benepisyo para sa mga pasyenteng may leptospirosis simula Hulyo 15, kung saan maaari nang umabot sa P411,000 ang insurance coverage para sa malulubhang kaso.

Ayon sa Malacañang, layunin ng hakbang na mabawasan ang gastusin ng mga pasyente, lalo na ang mga nangangailangan ng dialysis, mechanical ventilation at iba pang kritikal na gamutan.

Mula sa dating P21,450, itataas ang benepisyo depende sa tindi ng kondisyon at uri ng gamutang kakailanganin ng pasyente.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na mag-ingat laban sa leptospirosis, lalo na ngayong tag-ulan, sa pamamagitan ng pagsusuot ng bota sa baha at paghuhugas ng katawan gamit ang sabon at malinis na tubig matapos malubog sa baha.