
Nakakuha ang Pilipinas ng €200-million o humigit-kumulang P14 bilyong loan mula sa French government sa pamamagitan ng Agence Française de Développement o AFD para sa pangangalaga ng marine ecosystems at pagpapalawak ng blue economy.
Ayon sa Department of Finance o DOF, popondohan ng Marine Ecosystem for Blue Economy Development o MEBED 1 ang mga policy reform para sa proteksiyon ng marine ecosystems, pagpapabuti ng solid waste management at pagsusulong ng investments sa blue economy.
Inaasahang makikinabang dito ang mahigit tatlong milyong Pilipino, kabilang ang mga mangingisda, aquaculture operators at tourism workers, sa pamamagitan ng mas sustainable na kabuhayan.
Layunin din ng programa na mapalakas ang kita ng bansa, mabawasan ang plastic marine debris at mapatatag ang mga coastal community laban sa epekto ng climate change.
Co-financed ang programa ng Asian Development Bank o ADB.










