TUGUEGARAO CITY-Pansamantalang isinara ang Bonifacio street extension corner pinacanauan avenue Brgy centro 1 dito sa lungsod ng tuguegarao dahil sa pagtaas ng tubig sa Pinacanauan river.

Ayon kay Choleng Sap ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO)-Tuguegarao, abot na ng tubig ang nasabing kalsada kaya delikado na ito para sa mga motorista.

Kaugnay nito, sinabi ni sap na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring .

Inabisuhan rin ni Sap ang publiko na huwag manguha ng kahoy sa ilog dahil sa lakas ng agos na maaring ikapahamak ng mga magtatangkang lulusung sa ilog.

Samantala, sinabi ni Sap na nagpadala rin ang kanilang team sa mga bayan na nakakaranas ng pagbaha at landslide para tumulong sa pag-rescue.

-- ADVERTISEMENT --