Nagwagi si Pinay boxer Nesthy Petecio sa women’s 57 kgs. round of round sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Nakuha ni Petecio ang unanimous decision laban kay Jaismine ng India sa laban nila kaninang madaling araw.

Mula sa una hangang sa last round ay dominado ni Petecio ang laban.

Samantala, nabigo naman si Pinoy boxer Eumir Marcial sa men’s 80 kgs.

Nakuha ng nakalaban nitong boksingero ng Uzbekistan na si Turabek Khabibullaev ang unamous decision.

-- ADVERTISEMENT --

Sa unang round pa lamang ay ginamit ng Uzbekistan boxer ang kaniyang tangkad at haba ng kamay para makuha ang score mula sa limang judges.

Pinilit ng 28-anyos na si Marcial na makahabol subalit naging mailap at mabilis ang pag-iwas ng 20-anyos na Uzbekistan boxer.

Emosyonal din ito dahil sa isinantabi muna nito ang kaniyang professional boxing career para pagtuunan ng pansin ang laban sa Olympics.