
Nagbabala ang Department of Agriculture na posibleng umabot sa ₱500 kada kilo ang presyo ng baboy dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa ulat, maaaring tumaas ng halos 60% ang presyo ng baboy at hanggang 50% naman ang bigas kung lalala ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado.
Dahil dito, marami sa mga mamimili ang nagbabawas ng binibili nilang baboy, habang ang iba ay lumilipat sa mas abot-kayang alternatibo tulad ng isda at gulay.
Samantala, isang vendor ang nagbabalak na maging mangingisda dahil sa takot na isara ang kanyang negosyo kung patuloy ang pagtaas ng presyo.
Patuloy na minomonitor ng DA ang sitwasyon upang makapaglatag ng kaukulang hakbang para protektahan ang mga konsyumer.
-- ADVERTISEMENT --










