Oil price hike na naman ang aasahan sa unang Martes sa buwan ng Oktubre.
Sa pagtataya ng oil industry sources, mayroong umentong aasahan sa presyo ng diesel.
Maglalaro ito mula P0.60 hanggang P0.80 kada litro.
Samantala, sa gasolina, posibleng walang paggalaw, ‘o hanggang P0.20 na dagdag; ‘o ‘di kaya nama’y katiting na rollback kada litro.
Sa kerosene naman, mayroong inaasahang P0.10 hanggang P0.30 na price hike kada litro.
-- ADVERTISEMENT --
Bagamat pababa na ang presyuhan sa world market, nananatiling mataas ang demand sa diesel.
Ito na ang ika-pitong lingong sunod na umento sa diesel.