Nagbabala ang Department of Ener¬gy (DOE) sa pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo bunsod ng krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, kailangang matiyak ang suplay ng langis sa bansa kasunod ng ginawang air strike ng Estados Unidos at Israel sa Iran.

Base sa anunsiyo ng mga kompanya ng langis, itataas ang presyo ng gasolina ng P1.90 kada litro, P1.20 kada litro sa diesel at P1.50 kada litro sa kerosene, simula sa Martes, Marso 3.

Nagpaalala naman si Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV sa gobyerno na pinapayagan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ang awtomatikong suspension ng excise taxes sa produktong petrolyo kapag pumalo ang pres¬yo ng langis sa world market ng $80 kada bariles.

Higit sa $80 per barrel na ang presyo ng Brent crude kumpara sa closin¬g price na $72.87 noong Biyernes.

-- ADVERTISEMENT --

Itinulak naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagrebisa sa “trigger formula” ng subsidiya sa gasolina para sa sektor ng pampublikong transportasyon.