
Isinailalim sa restrictive custody ang isang police officer matapos makumpirma ng mga awtoridad na isa sa mga baril na ginamit sa naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City ay may kaugnayan sa kanyang pamilya, ayon sa Police Regional Office 8 (PRO-8)
Ayon kay PRO-8 spokesperson Lt. Col. Analiza Armeza, ang naturang pulis ay tiyahin ng isa sa dalawang menor de edad na suspek sa insidente.
Sinabi ng opisyal na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at kung paano nagamit ang naturang baril sa loob ng paaralan.
Nauna nang iniulat na tatlong katao ang nasawi habang 13 naman ang nasugatan sa nasabing pamamaril sa loob ng San Jose National High School.




