Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kabataan, estudyante, at mga magulang kasunod ng magkakasunod na insidente ng karahasan sa ilang paaralan sa bansa.

Nanawagan ang Pangulo ng kolektibong aksyon upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa karahasan, kapabayaan, at iba pang banta.

Aniya, ang paaralan ay dapat manatiling ligtas na lugar para sa pag-aaral at paghubog ng kinabukasan ng mga mag-aaral.

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang mga ahensya ng edukasyon, kapulisan, kalusugan, at mga lokal na pamahalaan na higit pang paigtingin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga estudyante sa buong bansa.

Hinikayat din niya ang mga magulang na maglaan ng oras, atensyon, at pag-unawa sa kanilang mga anak, dahil dito nagsisimula ang tunay na proteksyon.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin din ng Pangulo na ang paghingi ng tulong ay hindi tanda ng kahinaan.