Patuloy parin ang ginagawang search and rescue operation sa isang anim na taong gulang na bata na aksidenteng nahulog sa Ilog ng Barangay Anguiray, Amulung, Cagayan.
Una rito ay napaulat na noong November 15, 2024 na nahulog ang biktima matapos na pumunta ito sa ilog kasama ang kanyang pinsan na isa ring menor de edad.
Nang makarating sa lugar ay dito na aksidenteng nadulas at nahulog ang biktima.
Sinubukang hanapin ng mga otoriad ang bata ngunit hindi parin ito nakikita.
Samantala, patuloy rin ang ginagawang search and rescue operation sa dalawang lalaki na unang napaulat na nalunod noong kasagsagan ng bagyong Ofel sa nasabing bayan.
-- ADVERTISEMENT --