
Nilinaw ni Senator Bam Aquino na wala siyang plano na tumakbo bilang bise presidente sa 2028.
Reaksyon ito ni Aquino sa mga espekulasyon na tatakbo siya bilang bise presidente sa susunod na halalan.
Lumabas kasi ang mga espekulasyon na posibleng ikonsidera si Aquino na maging running mate ni Vice President Sara Duterte na nag-anunsiyo na tatakbo siya bilang presidente.
Ito ay matapos na ihayag kamakailan ni Aquino na dapat na dapat na isagawa sa bansa ang paglilitis sa mga kaso ng extra judicial killings sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan na inanunsiyo ni VP Sara na tatakbo siya bilang president sa 2028 elections.
Lumutang din ang posibilidad na ang magiging running mate ni VP Sara ay si Senator Aimee Marcos.
Subalit hanggang ngayon ay wala pang komento dito si Marcos.










