Binatikos ni Senadora Imee Marcos sa naging ambush interview ang hindi pa rin pagdaan sa Commission on Appointments ng ilang acting secretaries na itinalaga ng Pangulo.

Sa kanyang tantiya, nasa siyam na umanong acting secretaries ang hindi pa kasalukuyang dumadaan sa CA matapos ang kanilang pagkakatalaga.

Anya bagamat kinikilala niya ang kapangyarihan ng Pangulo na makapagtalaga ay malinaw na nagpapakita ng paglabag sa konstitusyon ang pangyayaring ito.

Dagdag pa niya, hindi rin niya maintindihan kung paanong kahapon lang natanggap ng house panel ang tungkol sa pagdaan ng ilang cabinet secretary dito gayong nong February 26 ay naipadala na ito sa CA.

Ibig sabihin may tatlong linggo pa umano ang mga ito para basahin ito lalo’t hindi naman ito kahabaan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, hinimok ng senadora ang mga miyembro ng CA na paalalahanan ang Palasyo na idaan sa makapangyarihang komisyon ang kanilang mga itinalaga.