
Naghain si Senador Rodante Marcoleta ng counter-affidavit sa Office of the Ombudsman kaugnay ng alegasyong hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ang P75 milyong campaign donations na kanyang natanggap.
Ito ay matapos irekomenda ng Field Investigation Bureau ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder at indirect bribery laban sa senador dahil sa umano’y hindi pagdedeklara ng mga donasyong nagmula kina dating Quezon City Congressman Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Batay sa reklamo, tumanggap umano si Marcoleta ng P30 milyon mula kay Defensor, P25 milyon mula kay Espiritu, at P20 milyon mula kay Viray.
Samantala, iginiit ng kampo ni Marcoleta na ang mga donasyon ay ibinigay nang may mabuting loob at itinuring na personal na regalo, hindi campaign contributions, kaya hindi umano ito saklaw ng public disclosure requirements.










