
Itinalaga si Pia Cayetano bilang bagong chairperson ng Senate committee on accountability of public officers and investigations o mas kilala bilang Blue Ribbon Committee.
Naganap ito matapos siyang i-nominate ni acting Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva kasunod ng reorganisasyon sa Senado.
Wala namang tumutol sa nominasyon ni Cayetano.
Papalitan ni Cayetano si Panfilo Lacson, na dating namuno sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng flood control scandal.
Sa ilalim ng bagong reorganisasyon, magsisilbi naman si Lacson bilang vice-chairperson ng Blue Ribbon Committee.
-- ADVERTISEMENT --









