Ibinasura ni Senator Grace Poe ang mga espekulasyon na siya ang papalit kay outgoing Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.

Lumutang ang pangalan ni Poe kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Pascual na magiging epektibo bukas, August 2.

Itinanggi niya na kinausap siya ukol dito.

Kasabay nito, sinabi ni Poe na isang prebelihiyo na makapagsilbi sa pamahalaan sa anomang paraan, subalit nais umano niyang tutukan ang kanyang trabaho sa Senado.

Sinabi niya na bilang pinuno ng Senate committee on ginance, nakatutok siya sa pagtiyak na magiging maayos budget hearing.

-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang simulan ng kanyang komite ang talakayan sa proposed P6.352-trillion national budget para 2025 sa Aug. 13.

Matatapos ang termino ni Poe bilang Senador sa June 2025.