Ipinahayag ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang dapat umaksyon at magpasya kaugnay ng mga bagong pahayag ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal at institusyon ng Pilipinas.

Ayon kay Sen. Tulfo, maaaring ipatawag ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang mga opisyal ng Chinese Embassy upang pagsabihan.

Iginiit din ni Tulfo na may karapatan si PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela, lalo na sa pagdepensa sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Dagdag pa niya, hindi na muna ito tatalakayin ng kanyang pinamumunuang Senate Committee on Foreign Relations dahil may binubuong Code of Conduct (COC) para sa South China Sea.

Aniya, ang mahalaga ay masiguro na hindi masasaktan ang mga mangingisdang Pilipino at matigil na ang pambobomba ng tubig laban sa Philippine Coast Guard (PCG).

-- ADVERTISEMENT --