Sinusuportahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pangangailangan na magsagawa ng imbestigasyon sa pagdami ng gastusin sa pagtatayo ng Bagong Gusali ng Senado.

Ito ay kasunod ng mainit na diskusyon nina Senators Nancy Binay at Alan Peter Cayetano sa isyu.

Ayon kay Escudero, mahalaga na magkaroon ng pagdinig ang Senate Committee on Accounts dahil sa kakulangan ng paliwanag mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ukol sa napakataas na halaga ng konstruksiyon.

Ang New Senate Building sa Taguig ay nagkakahalaga ng P23.3 Bilyon, kabilang ang P1.6 Bilyon para sa lupang kinatatayuan at ang P10 Bilyon para sa Phase 3 na hindi pa nai-bid.