Napatay ng militar ng Israel ang senior Palestinian militant sa isang strike kahapon sa Lebanon.

Ito ay nagbunsod naman ng akusasyon mula sa Fatah movement na tila nais ng Israel na sumiklab ang regional war.

Ang pagkakapatay kay Khalil Maqdah, na inilawaran ng Fath na isa sa mga lider ng kanilang armed wing sa Lebanon ay ilang oras matapos na wakasan ni US Secretary of State Antony Blinken ang kanyang tour sa Middle East na may layunin na magkaroon ng ceasefire sa Israel-Hamas war sa Gaza.

Ayon sa Fatah na nakabase sa Israeli-occupied West Bank, napatay si Maqdag malapit sa lungsod ng Lidon sa southern Lebanon.

Inakusahan ng Israel si Maqdah ng direktang pag-atake at pagpupuslit ng mga armas sa West Bank at nakikipag-ugnayan sa Iranian forces.

-- ADVERTISEMENT --