Nadiskubre ng mga otoridad ang ilang KTV Bar matapos nitong salakayin ang ilang POGO Hub sa Porac, Pampanga noong nakalipas na linggo.

Makikita rin sa loob nito ang ilang sofas, TV at maging mga speakers.

Kung maaalala, sinalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission katuwang ang Philippine National Police at nailigtas nito ang aabot sa

158 Chinese, Vietnamese at maging mga Malaysian nationals.

Ilang kagamitan rin sa pag torture at kidnaping ang tumambad sa mga kinauukulan matapos ang operasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Naroon rin sa lugar ang ilang uniporme ng pinaghihinalaang Chinese military na kalaunan ay sinabi rin ng gobyerno na ito ay marahil props lamang at walang dapat ikabahala sa lagay ng national security ng bansa.

Iginiit naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. , na banta sa ating national security ang mga kriminal na sindikato na nagtatago lamang bilang mga POGO hubs operators.