TUGUEGARAO CITY-Posibleng matanggap na ngayong buwan ng Hunyo ng mga senior citizen ang kanilang social pension para sa 1st at 2nd quarter ng taon.

Sinabi ni Luisito Tumaliuan,presidente ng Office of the Senior Citizens Affiar-Tuguegarao na kaya naantala ang pagbibigay sa social pension nila ay dahil sa nagsagawa ng re-validation ang Department of Social Welfare and Development sa lahat ng mga social pensioners.

Ito ay bilang tugon sa mga reklamo na may ilang senior citizen ang nakakatanggap ng social pension gayong may kaya sa buhay.

Umaabot sa 6,012 ang senior citizen dito sa Tuguegarao City.

-- ADVERTISEMENT --