Nanawagan si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na magsagawa ng special session ang Kongreso upang agad na maipasa ang panukalang ₱52.8 bilyong supplemental budget.

Ayon kay Cendaña, nakalaan ang pondo para sa repatriation ng mga OFW, fuel subsidies para sa transport workers, at ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda.

Binigyang-diin niya ang pangangailangang maaprubahan agad ang panukala kasunod ng muling pagsasara ng Strait of Hormuz na maaaring magdulot ng panibagong pagtaas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Giit ng mambabatas, mahalagang makapaglatag ng agarang ayuda ang pamahalaan upang maprotektahan ang mga manggagawa, commuter, magsasaka, mangingisda at mga pamilyang posibleng maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

-- ADVERTISEMENT --