
Nilinaw ng gobyerno ng Iran na nananatiling bukas para sa pandaigdigang kalakalan ang Strait of Hormuz, maliban lamang sa mga sasakyang pandagat na pagmamay-ari ng Israel at Amerika.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, hindi nila isinara ang nasabing lagusan na dinadaanan ng 20 porsyento ng supply ng langis sa buong mundo na nagmumula sa Gulf region.
Sarado lamang aniya ito sa mga tanker at barko ng kanilang mga kaaway at sa mga bansang umaatake sa Iran kasama ang kanilang mga kaalyado.
Matatandaang ilang barko na ang binomba habang dumadaan sa naturang karagatan sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon.
Kabilang na rito ang pag-atake sa isang Thai vessel, na kalaunan ay iginiit na wala namang kinalaman sa giyera.
-- ADVERTISEMENT --










