Cagayan Valley Medical Center

TUGUEGARAO CITY-Nailibing na ang isang senior citizen na suspected patient ng coronavirus disease na tumalon sa ikalatlong palapag ng covid ward ng Cagayan Valley medical Center (CVMC) kamakailan.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC, batay sa protocol ng department of health (DOH) ay agad inilibing ang pasyente sa loob ng 12 oras.

Kasabay nito, dumating ang mga resulta ng swab test ng mga pasyente kung saan apat ang negatibo sa virus kasama ang lola.

Nadagdagan naman ang bilang ng mga suspected patients kung saan nasa 21 na ang minomonitor ng pagamutan.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Samantala, labis ang pasasalamat ni Baggao kay 3rd District Cong. Joseph Lara sa kanyang inihaing resolusyon para madaliin ng DOH ang kanilang pag-appruba para maging covid-19 testing ang CVMC.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Baggao na ngayon ay nasa stage 3 na ang pagamutan sa accreditation kung saan nakatakda nang magpapadala ng mga medical technologists sa baguio general ospital para sa kanilang training.