Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahan na mabubuo o papasok sa Philippine area of responsibility sa susunod na buwan.

Ngayong buwan ng Hulyo, dalawang bagyo ang nanalasa sa ating bansa, ang ‘Butchoy’ at ‘Carina.’

Ang pinagsamang epekto ng habagat at bagyong Carina ay nagresulta sa pagkamatay ng 39 na katao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Batay sa pinakahuling sattelite imagery ng state weather bureau, umiiral pa rin ang habagat na bagama’t ito ay humihina na, magdadala pa rin ito ng mas malaking tiyansa ng thunderstorm lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon.